Press "Enter" to skip to content

Kilalanin ang artistahing anak ni Chavit Singson na si Chelsey Singson

Source: Chelsey Singson IG
  • Ang negosyanteng si Chavit Singson ay may higit sa sampung anak
  • Isa sa mga ito ay ang artistahing si Chelsey Singson
  • Sino nga ba si Chelsey at bakit siya biglang pinagkaguluhan ng mga netizens?

Si Chelsey Singson ay isa sa higit sa sampung anak ng negosyanteng si Chavit Singson. Ang ina ni Chelsey ay dating modelo na ang pangalan ay Rachel Tiongson.

Unang nakatawag ng pansin si Chelsey sa social media noon pang 2018 nang magtrending ang isang larawan na ibinahagi niya sa kanyang IG account kung saan makikitang kasama niya ang kanyang amang si Chavit Singson.

Ayon sa mga netizens, may artistahing anak pala ang negosyanteng si Chavit na ngayon lang nagpakita.

Hindi lang maganda si Chelsey dahil isa rin siyang mahusay na negosyante tulad ng kanyang ama. Nabanggit sa isang report na siya ang nagmamay-ari ng GoSport Philippine at Empower Training Center.

Bukod dito, pinagkakaabalahan din ni Chelsey ang sport na boxing. Ilang videos din ang kanyang ibinahagi si kanyang social media account kung saan makikita kung paano siya lumaban sa loob ng ring.

Samantala, marami rin ang nakapansin na certified “daddy’s girl” si Chelsey. Ang patunay rito ay ang mga ibinabahagi niyang post kung saan kasama ang ama sa mga gathering. Maging ang nag-iisang anak ni Chelsey ay malapit rin kay Chavit.

Noong nakaraang taon, March 2023, namasyal sila ng kanyang ama sa Japan kasama ng iba pa niyang mga kapatid. Nagbahagi si Chelsey ng mga larawan kuha sa kanilang bakasyon.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading