Press "Enter" to skip to content

Kim Chiu sinagot ang tanong hinggil sa tunay na namamagitan sa kanila ni Atty. Moeller

  • Kim Chiu sinagot ang tanong hinggil sa kung ano ang tunay na namamagitan sa kanila ni Atty. Oliver Moeller
  • Isang video ang kumakalat ngayon sa ‘X’ kung saan mapapanood si Vicki Belo na naki-marites hinggil sa lovelife ng aktres
  • Diretsahan tinanong ni Vicki si Kim kung ano ang totoo hinggil rito
  • Sinagot naman ito ni Kim at sinabi ang mga salitang “okay naman mi, migo” na ang ibig sabihin sa english ay ‘friends’
  • Ayon sa mga netizens, maaring si Atty. Moeller umano ang dahilan kaya’t naudlot ang pagkakamabutihan nila ni Paulo Avelino

Marami pa rin ang naiintriga sa lovelife ngayon ng aktres na si Kim Chiu. Nitong nakaraang buwan, nabalita na tila sweet sila ng kanyang leading man na si Paulo Avelino. Ang akala ng marami ay patungo na sa magandang relasyon ang dalawa.

Ganun pa man, tila hindi na ito matutuloy pa dahil mismong si Ogie Diaz ang nagsiwalat sa madla na hindi na umano sweet ang dalawa sa set ng serye nilang ‘What’s Wrong with Secretary Kim.’

Sa ginanap ng birthday party ni Kim kahapon, April 19, nagkaroon ng pagkakataon si Dr. Vicki Belo na maki-marites sa aktres hinggil sa status ng lovelife nito sa ngayon.

Tila aware si Viki Belo na ipinapareha si Kim kay Atty. Oliver Moeller kaya naman gusto nitong malaman ang tunay na namamagitan sa dalawa.

Kaagad din naman itong sinagot ni Kim at sinabing friends sila ng atty. Ayon mismo sa kanya, “okay naman mi, migo…’friends.’

Narito ang video.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading