Press "Enter" to skip to content

Kim Chiu naging emosyonal sa kanyang ika-34th birthday celebration

Source: Kim Chiu
  • Naging emosyonal sa Kim Chiu sa kanyang ika-34th birthday
  • Isang malaki party ang inihanda para sa kaarawan ng akres na si Kim Chiu
  • Makikita sa video na ito na tila ang BFF niya na si Angelica Panganiban ang siyang naging emcee sa nasabing party
  • Nang tinawag na si Kim upang magpunta sa stage, hindi nito napigilan ang maiyak

Naiyak si Kim Chiu sa kanyang ika-34th birthday celebration na ginanap ngayon araw, April 19 sa Siargao. Sa nasabing party, namataan si Kim na inalalayan papunta sa harapan ng pagtitipon.

Mapapansin na napaiyak ito habang naglalakad at kinakantahan ng ‘happy birthday.’ Ang kanyang pag-iyak ay masasabing ‘tears of joy’ dahil halos naroon lahat ang mga malalapit niyang kaibigan sa showbiz.

May parte naman sa video na naging kwela sina Kim at Angelica tulad ng lagi nilang nakagawian. Pinuri naman ng mga netizens si Angelica dahil sa suportang ibinibigay nito sa kaibigan.

Samantala, isang post din ang ibinahagi ni Kim sa kanyang IG account. Dito ay mapapanood ang mga pinagsama-samang clip kuha bago ang kaganapan sa kanyang party. Nagpasalamat siya sa kanyang assistant na taga-gawa ng kanyang mga reels dahil nakaka-capture umano nito ang mga special moments sa kanyang buhay kabilang na ang araw na ito na kanyang ika-34th birthday.

Nagpasalamat din ang aktres sa lahat ng bagay na mayroon siya ngayon sa kanyang buhay.

Ayon sa kanya, “Im feeling grateful for everything that’s in my life right now. Maraming maraming salamat po!❤️ 34 hits different, but it felt amazing. THANK YOU !🙏🏻🎂✨🥂 cheers to life, love, and everything in between!”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading