
- Maraming KimPau fans ang nalungkot matapos maglabas ng update si Ogie Diaz hinggil sa dalawa
- Ang lumalabas wala na umanong sweetness na namamagitan kina Paulo Avelino at Kim Chiu
- Ayon sa source ni Ogie, tila malabo nang magligawan pa sina Paulo Avelino at Kim Chiu
- Si Atty. Oliver Moeller nga kaya ang dahilan?
Nalungkot ang mga fans nina Kim Chiu at Paulo Avelino o KimPau. Ito ay matapos ng ibinahaging update ni Ogie Diaz sa kanyang Youtube Channel na Ogie Diaz Showbiz Update.
Ayon kay Ogie, may isang source na nakapagsabi sa kanya na may pagbabago kina Kim Chiu at Paulo Avelino. Hindi na daw sweet ang dalawa sa isa’t isa.
“Kasi ang nalaman ko lang mula sa production staff ng ‘What’s Wrong with Secretary Kim’ ay parang… hindi na daw ganoon ka-sweet. Okay sila sa set, pero ‘yong ligawan malabo daw,” pagbubunyag ni Ogie.
Dagdag pa ni Ogie, “Mas sweet daw sila noong una, pero nito lang daw parang hindi na ganoon ka-sweet. Parang hindi na daw ganun ka-intense ang feelings ni Kim Chiu towards Paulo.”
Samantala, binanggit din ni Ogie na tila mayroon umanong iba (babae) na gusto si Paulo.
Ayon naman sa mga netizens, mukhang nagbago ang lahat simula nang ma-link si Kim kay Attorney Oliver Moeller. Nagpakita ng interest ang Attorney kay Kim, at ito ay tila alam din ng mga co-host ng aktres sa It’s Showtime dahil sa ginawang panunukso ni Vice sa dalawa.
Kung matatandaan, dumalaw pa muli itong si Atty. Oliver sa show kahit pa tapos na ang appearance niya sa Expecially For You segment. Tinanong ni Vice si Atty. Oliver kung naroon ba ito para dalawin si Kim.
Hindi diretsahang sinagot ni Atty. Oliver ang tanong ni Vice, pero sinabi niya ang katagang “I’ve always thought Kim was a pretty person, also from Cebu so I guess you cansay that. I don’t think it’s fair that I speak about that without her permission. Sorry, I hope you understand. Kim is pretty nice.”





Be First to Comment