
- Tila tuloy-tuloy nang mapapanood si Diwata ng Pares Overload sa seryeng FPJ’s Batang Quiapo
- Isang video ang inupload ni Nikko Natividad sa kanyang IG account at dito ay mapapanood ang pagtsi-tsimisan nila ni Diwata (for content purposes) ayon kay Nikko
- Ang nasabing video ay kaagad na humakot ng maraming likes sa IG
- Nagbigay si Diwata ng update hinggil sa naging ‘taping’ niya sa nasabing serye
Isang video ang ibinahagi ni Nikko Natividad sa kanyang IG account. Sa nasabing video mapapanood na kasama niya si Diwata ng Pares Overload at ang nagtrending nitong nakaraang linggo na si Kim Rodriguez.
Tila kuha ang nasabing video sa set ng FPJ’s Batang Quiapo. Para sa content ni Nikko, nagpanggap ang tatlo na tila nagtsi-tsimisan at ito ay nilinaw ni Nikko na ‘for entertainment purposes’ lamang.
Naaliw ang mga netizens dahil sa naging partisipasyon ni Diwata sa nasabing video. Mukhang ini-enjoy na umano nito ang kanyang pag-aartista.
Kung matatandaan, binanggit ni Diwata sa isang panayam na siya ay nakapagtaping na para sa nasabing serye. Naghihintay na lamang siya ng tawag para sa panibagong taping pero hindi niya pa masabi kung magtatagal ang karakter niya rito.
Binitin niya pa ang mga netizens na nag-uusisa hinggil sa kanyang karakter. Ayon kay Diwata, abangan na lamang umano ang mga susunod na paglabas niya sa serye dahil muli pa rin siyang mapapanood rito.
Dagdag pa ni Diwata, nakapag-usap umano sila ni Coco Martin at nag-suggest ito na baka pwede mag-shooting sa pwesto ng paresan niya sa Pasay City. Ganun pa man, sinabi ni Diwata na baka dumugin umano sila ng tao sa nasabing lokasyon, sabay tawa.
Narito ang ilang komento ng mga netizens.
“Ang galing God bless po diwata and gooluck nakaapsok kPo sa batang quiapo”
“Bonga c Diwata
kahit nupang gawen ng mga vlogger n dinadown c Diwata ,,patuloy pdin xia tinataas n Lord![]()
![]()
para s mga kontrabda tigelan nio n c Diwata”
“Congrats madam diwata go go go go lang palaging mg dasal sa itaas dahil cya lang ang ating sandalan”









Be First to Comment