Press "Enter" to skip to content

Dating matinee idol na si Bojo Molina, ganito na pala ang buhay ngayon

Source: Bojo Molina, Julius Babao YT
  • Nakapanayam ni Julius Babao ang dating matinee idol na si Bojo Molina
  • Ibinahagi ng Bojo ang ilang mga bagay tungkol sa kanyang kasalukuyang kalagayan
  • Inilarawan niya ang kanyang sarili bilang isang ‘family man’
  • Mayroon siyang dalawang anak na mga dalaga at binata na
  • Ayon sa dating aktor maganda umano ang takbo ng kanyang mga negosyo na advertising company at productions

Maraming mga batang 90s ang nakakaalala pa sa dating aktor at matinee idol na si Bojo Molina. Matagal na rin simula nang lumiban sa showbiz ang aktor at nagdesisyong manirahan ng permanente sa Guam.

Nakapanayam ni Julius Babao si Bojo at dito ay ibinahagi ng aktor ang hinggil sa kanyang buhay sa kasalukuyan. Siya umano ay matatawag na ‘family man’ dahil ang konsentrasyon niya sa kasalukuyan ay kung ano ang makakabuti sa kanyang pamilya.

Kasal umano siya sa kanyang asawang si Jen at 21 taon na silang nagsasama. Nabiyayaan ang kanilang pagsasama ng dalawang anak, isang lalaki na 21 taong gulang at isang babae na edad na 16. Ipinagmalaki ni Bojo na parehong aktibo sa sports ang kanyang mga anak.

Taong 2002 nang lumiban si Bojo sa pag-aartista at nagmigrate sa Guam. Naranasan niya umano ang magtrabaho sa isang banko roon at kalaunan ay naging distributor ng isang pharmaceutical company.

Sa ngayon siya ay nagmamay-ari na ng isang advertising company. Mayroon din siyang production studio na tinatawag na 3 Blind Mice studios. Itinayo niya ito kasama ng kanyang mga partners.

Ayon kay Bojo abala siya sa kanyang mag negosyo pero kung sakaling may pagkakataon na siya ay alukin para sa isang showbiz gig, hindi niya tatanggihan.

Bukas umano siya sa ideyang umarte muli pero sa kondisyon na dalawang linggo lamang ang itatagal ng taping o shooting dahil mayroon siyang mga inaasikaso sa kanyang mga negosyo.

Narito ang buong detalye mula sa panayam ni Julius babao kay Bojo Molina.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading