Press "Enter" to skip to content

Janus Del Prado pinatamaan nga ba si Vice Ganda at ibang hosts sa It’s Showtime na tinawag na hypocrites?

Photo Source: Janus Del Prado FB, Its Showtime IG
  • Naintriga ang maraming netizens sa pinakabagong post ng aktor na si Janus Del Prado
  • Nagbahagi kasi ng isang reaksyon si Janus hinggil sa ‘hypocrites’ na mga tao at usaping loyalty at ‘paglipat’
  • Naisip ng mga netizens na patama ito ng aktor sa mga hosts ng It’s Showtime kabilang na si Vice Ganda

Sa pinakabagong Facebook post ng aktor na si Janus Del Prado, nagbahagi siya ng isang maikling pahayag na may kaugnayan sa loyalty at mga taong tinawag niya na ‘hypocrites.’

Ayon kay Janus, “Yung mga bumatikos sa mga lumipat dati, naglipatan na din ngayon lol. Kala ko ba hindi loyal ang mga lumilipat?

Sa dulo ng post nilagyan niya pa ito ng #hypocrites.

Sa comment section may idinagdag pang pahayag ang aktor at sinabi na dapat hindi talaga nagsasalita ng tapos ang isang tao dahil bilog ang mundo. Hindi naman binanggit ni Janus kung sino ang tinutukoy niya sa nasabing post pero tila nahulaan ito ng mga netizens.

Ilang netizens ang nagreact sa post na ito ni Janus.

Kunwari loyal kasi sumasahod pa. Pero pag wala na, lipat na agad. Ang OA kasi nila. Trabaho lang naman yan bottom line.”

Ehh It’s Showtime lang Naman Ang umere sa GMA dahil may collaboration pero the host is still a kapamilya Kasi Ang ABS and GMA lang Ang contrata at Ang showtime Hindi Ang mga artist hohohooo.”

“Di ko sure tinutukoy mo pero kung IS hosts nga pinatatamaan mo, eh parang di mag aapply tong pasaring mo sa kanila. Wala namn kseng lipatang nangyari kse wala namang host sa IS ang pumirma ng kontrata under GMA or any GMA artists agency.”

Hahahaha Tama ka Lodi.. mga kunware loyal.. kung ano ano sinasabi dati sa GMA 7 pero tignan mo kung nasan sila.”

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading