
- Alalahanin natin ang isa sa mga mahuhusay na child stars noong dekada 90 na si Anna Larrucea
- Ano nga ba ang nangyari sa kanyang buhay at kumusta na siya sa ngayon
Si Anna Larrucea ay isa sa mga kilalang child stars noong dekada nobenta. Siya ay isinilang noong October 7, 1984.
Nagsimula si Anna sa pag-arte noon 1992 sa batang edad na walo. Bukod sa magandang bata si Anna, napakahusay niya pang umarte kaya naman kaagad din siyang nabigyan ng kabi-kabilang proyekto sa TV man o pelikula.
Napabilang siya sa cast ng ‘Ang TV’ at naging bahagi ng ‘Star Circle’ Batch 4. Ilan sa mga proyektong kanyang kinabilangan ay ang mga pelikulang Baby Love (1995), Batang X (1995), at Magic Temple (1996).

Kalaunan, nagdesisyon lumipat ng bakuran si Anna. Mula sa ABS CBN siya ay napanood sa ilang mga serye sa GMA network. Noong 2003 sa edad na 19, napasama siya sa cast ng ‘Hawak ko Ang Langit’ bilang supporting role. Sinundan pa ito ng seryeng Impostora noong 2007.
Ayon sa Youtube Channel na NewspapersPH, ikinasal na si Anna sa kanyang long time partner na si Robert Pangilinan noong 2013. Ginanap ang kanilang kasalan sa Madre De Dios Chapel sa Tagaytay Highlands.

Isinilang ni Anna ang kanilang unang anak ni Robert na si Andrew noong 2014.
Noong 2015, ibinahagi ng isa sa mga host ng Marites University na si Rose Garcia ang isang larawan kasama si Anna at anak nitong si Andrew.






Be First to Comment