
- Nalalapit na ang panganganak ng aktres na si Maja Salvador
- Sa laki ng kanyang tiyan nagagawa niya pa ang sumayaw at gumiling
- Isang video ang inupload ng aktres sa kanyang IG account at dito ay makikita siya na todo bigay sa pagsasayaw
- Sa nasabing video makikita rin na sinabayan siya ng kanyang ina sa pagsasayaw
Tila naghahanda na ang aktres na si Maja Salvador sa kanyang panganganak. Siya ay nasa huling trimester na ng kanyang pagbubuntis.
Ayon sa mga eksperto ang pagsasayaw habang buntis ay isang magandang ‘form of exercise’ lalo na ang tinatawag na belly dancing dahil makakatulong ito para sa mabilis na proseso ng panganganak at pagpapagaling.
Isang video ang ibinahagi ng aktres sa kanyang social media account kung saan makikita siyang sumasayaw na pansin ang malaki niyang tiyan. Natuwa rin ang mga netizens dahil sinabayan pa si Maja ng ina sa pagsasayaw.
Ito umano ang entry ng aktres para sa Easter Sunday.





Be First to Comment