
- Albie Casiño hindi naiwasang sagutin ang tanong hinggil sa yumaong si Jacklyn Jose
- Sa isang press conference natanong siya kung nakiramay siya sa pamilyang naiwan ng beterang aktres
- Deretsahan naman itong sinagot na ni Albie na hindi umano kailangan ang presensya niya sa burol nito at hindi siya apektado
Sa isang ginanap na press conference, matapang na sinagot ni Albie Casiño ang tanong hinggil sa yumaong aktres na si Jacklyn Jose. Inalam kasi ng ilang media personalities kung nakiramay ang aktor sa pagpanaw ng beteranang aktres.
Deretahan itong sinagot na aktor at sinabing hindi siya nagpunta sa burol dahil hindi naman kailangan ang presensya niya roon. Hindi daw siya apektado.
Ayon mismo kay Albie, “I just wanna say rest in peace Ms. Jane ‘saka condolences sa lahat ng tao na nagmamahal sa kanya… pero hindi naman ako apektado dun. I don’t think my presence would be welcome there so ba’t ako makikiramay, ‘di ba.”
Kung matatandaan, naging laman ng malaking balita noon ang pagkadawit ni Albie sa pagbubuntis ni Andi Eigenmman dahil pinaghinalaan ito na siya ang ama ng dinadala ng aktres noon.
Marami ang bumatikos kay Albie at sinabing hindi umano nito pinanindigan si Andi. Kalaunan, lumabas na hindi pala talaga siya ang tunay na ama ni Ellie kundi si Jake Ejercito. Ito ay kinumpirma ng kapatid ni Andi na si Max Eigenmann dahil lumabas na umano sa DNA test ang resulta.





Be First to Comment