- Maraming netizens ang natuwa sa isang video kung saan makikitang magkasama ang mag-tiyahin na sina Claudine Barretto at Julia Barretto
- Parehong dumalo ang dalawa sa event na handog ng mga celebrities para kay Mr. M na A Night of a Hundred Stars
- Makikita sa naturang video na sweet sa isa’t isa sina Claudine at Julia na ikinatuwa naman ng mga netizens

Kagabi, Marso 16 ginanap ang isang event na ‘A night of a hundred stars’ na tribute para kay Johnny Manahan o kilala rin sa tawag na Mr. M.
Maraming mga stars ang dumalo sa nasabing event kabilang na ang dalawang Barretto na sina Claudine at Julia. Sa isang video, makikita ang dalawa na magkayakap sa isa’t isa at talaga namang masasabi na sweet bilang magtita.
Natuwa ang maraming netizens sa nasabing video, kaya naman kaagad din itong nagviral. Ayon sa mga netizens, mabuti umano at nagkabati na ang dalawa na noon ay nagkaroon ng matinding hindi pagkakaunawaan.
Narito ang ilan sa mga komento.







Be First to Comment