- It’s Showtime papalit sa timeslot na iniwan ng Tahanang Pinakamasaya sa GMA7
- Inaayos na umano ang kontrata at iba pang mga detalye bago magbigay ng official statement ang GMA 7 at pamunuan ng ABS CBN

Usap-usapan ngayon sa online community ang napipintong paglipat ng show na It’s Showtime sa bakuran ng GMA7. Ipapalit umano ang naturang show sa iniwang timeslot ng Tahanang Pinakamasaya.
Sa kasalukuyan napapanood ang It’s Showtime sa GTV, ang subsidiary ng GMA 7. Tila napagkasuduan na ilipat na ang naturang show sa main channel ng GMA.
Ayon sa report ni L. Guerrero ng Pilipino Star Ngayon, kasalukuyan na umanong inaayos ang kontrata at iba pang detalye hinggil rito at sa mga susunod na araw asahan umano na magbibigay na ng opisyal na pahayag ang GMA 7 at ABS CBN.





Be First to Comment