- Dating child star na si Stefano Mori nagparamdam na sa social media
- Nagsalita na sa hinggil balitang siya ay babalik na sa showbiz
- Sinabi rin ng dating aktor ang dahilan ng pagliban niya sa pag-arte
- Nagbigay ng update sa kanyang buhay
Maraming mga fans ang nakakaalala pa rin sa dating child actor na si Stefano Mori. Ang ilan sa kanilang ay bumuo na ng mga fan pages upang patuloy na alalahanin ang dating aktor.
Sa mga naturang fan pages marami ang nagpabatid ng panghihinayang sa pagliban ng aktor sa showbiz. Kaya naman patuloy ang kanilang panawagan na sana ay magbalik na ito sa entertainment industry.

Kung maalala, isa si Stefano sa mga sikat na child stars noong dekada 90. Naging cast member siya ng youth oriented show na GMIK kung saan naging kaloveteam niya si Camille Prats.
Naging bahagi rin siya ng bandang JCS kasama ang dalawa pang aktor na sina John Prats at Carlo Aquino. Sa kanilang tatlo tanging si Stefano lamang ang tumigil sa pag-aartista. Ang huling proyektong kanyang ginawa ang ang pelikulang “I think I’m Inlove” na ipinalabas noong 2002.
Nagdesisyon si Stefano na manirahan ng tahimik sa Italya kasama ng kanyang pamilya. Kalaunan, siya ay bumuo na rin ng sariling pamilya at nakapangawa ng isa ring Pinay.
Tila nababasa ni Stefano ang paulit-ulit na hiling ng fans na siya ay bumalik na sa pag-arte. Kaya naman sa pamamagitan ng IG account ng kanyang asawa na may handle name na victoria.deee, naglabas na siya ng official statement upang sagutin ang mga panawagan na ito ng mga fans.

Ayon kay Stefano, malaki ang pasasalamat niya sa kanyang mga tagahanga. Na-appreciate niya umano ang mga fans na patuloy siyang inaalala at nanawagan na siya ay bumalik sa pag-arte. Ganun pa man, wala na umano makakabago pa sa kanyang isip.
Hindi na daw siya magbabalik pa sa pag arte. Ayon pa sa dating aktor, hindi na umano siya nababagay sa showbiz. Ito ay dahil matanda na umano siya sa edad 38,, balbas sarado, at may gray hair na rin umano.
Nagjoin daw siya sa showbiz noong araw ‘for fun’ at noong siya ay nagmamature, unti-unti na umanong nagbago ang mga gusto niya sa buhay.,
Narito ang full statement ni Stefano Mori.











Be First to Comment