- FranSeth Loveteam pinagkaguluhan ng mga netizens, trending
- Francine Diaz at Seth Fedelin magkasamang rumampa sa red carpet ng Star Magical Prom
- Sari-saring positibong komento ang ibinigay ng mga fans sa kanilang fairy tale moments

Ginaganap ngayong gabi ang Star Magical Prom 2024 sa The Bellvue Manila sa Alabang. Isa sa mga paboritong loveteams na naroon ay ang FranSeth.
Sabay na rumampa ang dalawa sa red carpet at talaga namang kinikiligan ng marami kung paano sila nagtitinginan habang nasa harap ng mga camera.
Ayon sa isang netizen, “kalma, baby kalma!!??!! —look at their smiles, they’re so genuine.”
Ayon sa isa pa, “masyadong natutuwa po si sethyboy kasama niya na kasi yung minamahal niyang tunay.”
“Seth actually wanted francine to have her solo moment on the ivory carpet, but francine declined. i think she knows that the best accessory you’ll have is a good-looking man by your side,” ayon naman sa netizen na si geenfangirls.





Be First to Comment