- Isa sa mga pinakanasaktan nang pagsasara ang noontime show na Tahanang Pinakamasaya ay si Paolo Contis
- Humagulgol at todo umano sa pag-iyak si Paolo Contis sa dressing room habang nagpapaalaman ang iba niya pang mga cohost sa isa’t isa
- Ito ang mga pagbubunyag ni Cristy Fermin sa mga tagasubaybay niya sa CristyFeminute

Napag-usapan nina Cristy Fermin at Romel Chika sa show na Cristy Ferminute ang naging pagtatapos ng show na Tahanang Pinakamasaya noong March 2.
Ayon sa mga source ni Cristy, hindi umano napigilan ng aktor at TV host na si Paolo Contis ang mapahagulgol matapos na mamaalam ang kanilang show sa GMA 7.
Tila sobrang nasaktan umano si Paolo sa nangyari dahil ito ang isa sa mga nakipaglaban para sa show.
“Totoong-totoo po na tumakbo agad si Paolo Contis sa dressing room at doon humagulgol. Ayaw po n‘yang magpakita sa harap ng mga camera sa kaniyang pagluha… sa kaniyang pag-iyak… paghagulgol, ani Cristy.
Dagdag pa ni Cristy, “siguro naiisip din niya… ‘naku, lalo akong maba-bash nito dahil dati-rati ang lakas-lakas kong magsalita ng masasakit. Ang lakas kong mangantiyaw. Baka ngayon ‘pag nakita ako lalo akong i-bash.’ ‘Yon siguro ang nasa isip niya,’ no?”
Ganun pa man, naaawa umano si Cristy kay Paolo. Pansin naman kasi na siya ang ginawang pambala laban sa TVJ noong kasagsagan ng pag-aagawan ng titulong Eat Bulaga.
Tila napakalaki umano ng talent fee na natatanggap nito para maging tagapagsalita ng show. Kaya naman sa huli siya ang nakatanggap ng mga pambabatikos mula sa mga netizens.
Ayon pa sa entertainment columnist, “sa dinami-dami nilang mga nagho-host ng ‘Tahanang Pinakamasaya,’ siya ‘yung talagang laging iniuumang sa laban. Siya ‘yong para bang isang milyon ang talent fee araw-araw.”





Be First to Comment