- Jolina Magdangal nagbahagi ng huling mensahe at pamamaalam sa yumaong aktres na si Jacklyn Jose
- Ipinagtapat ng aktres na nahihiya umano siyang lumapit noon sa batikang aktres
- Dalawang beses umano silang nagkasama sa proyekto pero nahihiya siyang makipag-usap sa aktres

Isang maikling sulat ng pamamaalam ang ibinahagi ng aktres na si Jolina Magdangal para sa nag-iisang si Jacklyn Jose na pumanaw noong March 2.
Sa isang IG post, nagbahagi si Jolina ng dalawang larawan kung saan makikitang magkasama sila ni Jacklyn Jose sa iisang frame. Ang mga ito ay kuha sa dalawang proyekto na sila ay nagkasama.
Ayon kay Jolina, sobrang iniidolo niya ang beteranang aktres noon pa man. Bagaman nagkasama sila sa dalawang proyekto, maiksi lamang ang kanilang nagiging eksena. Ganun pa man, sa tuwing may pagkakataon na sila ay nagkakatagpo sa set, pinapanood umano ni Jolens ang mga eksena nito.
Hindi umano siya makalapit rito para makipag-usap dahil siya ay nahihiya sa aktres.
Narito ang liham ng aktres para sa namapayapang si Jacklyn Jose.
Dear Tita Jane,
These are the projects that we are together but never had a long scene. 1st pic “Heart of Christmas” and 2nd pic MMK “Needle”. But you know Tita, if there is a chance that I will be there on your shoot day, I watch you when you do your scene because I am very good in acting. I still can’t approach you just to talk to you. I am so shy.Tita, here I realized that you are my idol. 🌟
I love you Tita Jane.🕊️
Praying for you to rest in peace.🩶






Be First to Comment