- May bagong ibinulgar si Ogie Diaz sa kanyang Youtube channel tungkol sa hiwalayang Kim Chiu at Xian Lim
- Ang aktor umano ang siyang nakipaghiwalay kay Kim Chiu
- Nagpaluto pa umano ito ng paborito niyang niyang steak sa aktres
- Habang kumakain, inumpisahan na si Xian ang magsalita hinggil sa pakikipaghiwalay

May bago na namang pasabog si Ogie Diaz, ang nangungunang marites sa online community. Ayon kay Ogie, may nalaman siya hinggil sa kung paano naghiwalay sina Xian Lim at aktres na si Kim Chiu.
Ayon sa source ni Ogie, nagpaluto pa umano ang aktor ng paborito nitong pagkain na steak sa noo’y nobya pang si Kim Chiu.
“Pwede naman itong i-deny ni Kim Chiu or ni Xian Lim. Isang araw daw itong si Xian Lim ay nag-request kay Kim Chiu na ipagluto siya ng paborito n‘i‘yang steak,” ani Ogie.
Excited umano na nagluto si Kim at pagkatapos kaagad itong inihain sa aktor. Habang sila ay kumakain, saka umano nag-umpisang magsalita si Xian hinggil sa nais nitong pakikipaghiwalay sa aktres.
” So ito namang si Kim Chiu eh excited na nagluto ng steak. S’yempre chikahan, ganyan-ganyan… So kinakain na nila ‘yung steak hanggang sa dumadayalog si Xian Lim, ang sabi, ‘Tapusin na natin ‘yung ating relasyon, parang wala rin namang patutunguhan. Parang… ayaw din naman sa akin ng family mo at ng iba mong friends’… something to that effect pero puwedeng exag (exaggerated), p’wedeng kulang ‘yung kuwento ko pero more or less nag-start ‘yan sa steak,” ayon pa ni Ogie.
Narito at panoorin ang buong video.





Be First to Comment