Press "Enter" to skip to content

Mavy Legaspi naglabas ng mensahe hinggil sa Tahanang Pinakamasaya

  • Isang nakakaantig na mensahe ang inilabas ni Mavy Legaspi sa gitna ng napapabalitang pagsasara ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya
  • Sa kanyang social media account, sinabi ni Mavy kung anu-ano ang mga natutuhan niya sa nasabing programa
  • Sinabi din niya ang mga katagang “we will see you SOON”
Source: Mavy Legaspi IG

Naging trending na topic sa social media ang balitang pagsasara ng programang Tahanang Pinakamasaya.

Bagaman wala pa ang opisyal na pahayag ng GMA 7 at TAPE Inc, nauna na itong kinumpirma ng isa sa mga hosts ng show na si Chariz Solomon. Ayon kay Solomon, last day na nila noong March 2 sa Tahanang Pinakamasaya.

Ang mga umeere na palabas ngayon sa time slot ng show ay mga replays na lamang.

Kasunod nito ay naglabas ng isang mensahe si Mavy Legaspi sa pamamagitan ng kanyang IG account. Una, nagpahayag siya ng pasasalamat. Marami umano siyang natutunan sa programa.

Source: Mavy Legaspi IG | Tahanang Pinakamasaya

Ayon kay Mavy, “Thank you. Maraming salamat. Salamat kaayo.”

“This wasn’t about me. Since day 1, this was always about THEM.”

Because of them, I became a stronger person, a better colleague, a better host, a better son to my parents, a better brother to my twin and a better child of God… pwede ko na bang idagdag na better joker? mas magaling na ba ako mag joke? okay maybe not, still corny.”

Humingi din si Mavy ng blessing at gabay sa Maykapal para sa mga staff ng show. “Lord, please do bless the staff & crew that worked so hard day in & day out every single day. they are our show. This show was always about them. please do take care of them and their respective families,” ani Mavy.

Binigyan diin din ng actor-host na nalampasan nila lahat ng laban at mga rumors.

Ayon kay Mavy, “all of the rumors and all of the fights, we always found a way to make it out alive- para makabigay ng tulong at saya. butangi!”

Dagdag pa niya, “this was always about love & support- making a living. We did not fail, we just ran out of time…”

Makahulugan naman ang huling bahagi ng kanyang mensahe. Kung saan sinabi nitong hindi umano ito goodbye.

this was always about love & support- making a living. we did not fail, we just ran out of time… but that’s what they think. goodbye? nope, more like good-HELLO. okay ang panget… but, we will see you SOON. 

“But that’s what they think. goodbye? nope, more like good-HELLO. okay ang panget… but, we will see you SOON,” ani Mavy.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading