- Julio Diaz nagbigay ng pahayag hinggil sa biglaang pagpanaw ng kaibigang aktres na si Jacklyn Jose
- Ang buong akala ni Julio, siya ang mauunang sumakabilang buhay dahil siya ay maraming sakit
- Hiling ng aktor na sana ay umabot siya sa edad 70s dahil nais makita ang magiging apo

Nagpaunlak si Julio Diaz na makapanayam ng press sa burol ng namayapang aktres na si Jacklyn Jose.
Nagpahayag ang aktor ng pagkalungkot sa biglaang pagpanaw ng aktres. Halos tatlong oras lamang umano siya nakatulog nang malaman ang sinapit ng kaibigan.
Ayon sa kanya, hindi niya inakala na mauuna si Jacklyn Jose na pumanaw kaysa sa kanya. Ito ay dahil alam niya sa kanyang sarili na marami na siyang iniindang sakit.
Ayon sa aktor, “well up to this day na akala ko nga, ako yung mauuna sa ganyang larangan ng kamatayan.”
“Eh kasi nga… well, at this point in time talagang mahina ang katawan ko. Ako ay maysakit pa rin hanggang sa ngayon. Mayroon akong ulcer. May sakit ako sa puso,” ani Julio.
“Andami-kong sakit ngayon. Kaya nga para bang… nagugulat ako, buhay pa rin ako,” dagdag pa ng aktor.
Ayon kay Julio, tanggap niya naman na lahat ng tao ay darating diyan. Pero hiling niya na sana ay paabutin umano siya sa edad 70s para makita niya pa ang kanyang magiging apo. Ang anak niya umano ay 28 gulang na pero wala pang asawa.
“So far, OK naman ako kasi tanggap ko naman na lahat tayo ay darating diyan, eh. At my age, isa lang ang hinihiling ko… sana, paabutin pa ako ng mga 70s para makita ko man lang yung apo ko. Yun man lang. Wala pa akong apo kasi ang anak ko, 28 na at hindi pa nag-aasawa,” paliwanag ng aktor.
Narito at panoorin ang buong video mula sa Pikapika Showbiz Youtube Channel.





Be First to Comment