- Nagsalita na ang kapatid ng yumaong aktres na na Jacklyn Jose
- Ibinahagi ni Veronica Jones na may nakitang “green bones” sa abo ng kapatid matapos ma-cremate
- Naniniwala siyang totoo ang sinasabi tungkol sa green bones dahil tunay na mabuting tao at mapagmahal ang kapatid noong nabubuhay pa
Ngayong gabi ng Marso 5, nagkwento ang kapatid ni Jacklyn Jose na si Veronica Jones hinggil sa nakitang green bones matapos ma-cremate ang namayapang aktres.
Ayon kay Veronica, bibihira lang makakita ng ganitong green bones sa mga labi ng taong na-cremate. Ibig sabihin daw nito, may mabuting puso ang taong pumanaw.
“May sinasabi silang green bone. Hindi lahat ng taong na-cremate meron ‘nun. Very rare, nakita si Jane (Jacklyn Jose) meron, ibig sabihin ‘nun ay good heart,” saad ni Veronica.
Naniniwala rito si Veronica. Ito ay dahil alam niya bilang kapatid kung gaano kabuti ang puso ng kanyang kapatid. Napakabait umano at marunong makisama sa mga tao.
Paglalarawan pa ni Veronica sa kapatid, “Si Jane mapagmahal, matinding magmahal, down to earth, maawain… napakabait na tao. Walang masamang tinapay. ‘Yung maliliit, mas mahal niya ‘yan. Crew, staff, ayaw niya yung mga ano pa-sosyal.”
Sa huli sinabi rin ni Veronica na mamimiss niya ang kapatid at mahal niya ito.
“Mami-miss namin siya. Hindi na namin siya mapapanood. We love her!” saad pa nito.

Narito at panoorin ng buong video mula sa ABS CBN News.





maraming salamat sa mensahe niyo