Press "Enter" to skip to content

Chariz Solomon nagreact sa komento ng isang netizen na “tahanang pinasara”

  • Tahanang Pinakamasaya nakatanggap ng sangkatutak na pambabatikos mula sa mga netizens
  • Tila marami ang natuwa na ito ay nagsara na ng tuluyan
  • Isa sa mga host nito na si Chariz Solomon hindi napigilan ang sarili na sagutin ang isang netizen na nagkomento sa kanyang post ng mga katagang “tahanang pinasara”
Source: IG Chariz Solomon with Hosts ng Tahanang Pinakamasaya

Marami man ang nalungkot sa tuluyang pagsasara ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya, marami rin ang natutuwa sa sinapit nito.

Sa lahat ng mga hosts ng show, tanging si Chariz Solomon lamang ang matapang na nagsalita hinggil sa pagsasarado ng kanilang programa bago pa man ilabas ang opisyal na pag-anunsyo ng pamunuan ng TAPE Inc at GMA 7.

Nitong nakaraang araw March 3, deretsahang sinagot ni Chariz ang tanong ng isang netizen kung totoo nga ba ang mga balita na last day na nila noong nakaraang Sabado sa show, March 2.

Kinumpirma ito ni Chariz, at sinagot nito ang netizen ng mga katagang, “sadly, opo. But praying for best days ahead.”

Isa pang netizen ang hindi pinalampas ni Chariz, kung saan nagkomento ito ng mga katagang ‘tahanang pinasara.’ Kaagad na sinagot ito ni Chariz ng mga salitang “ang witty mo… ikakayaman mo yan.”

Samantala, magpahanggang sa ngayon ay hindi pa nagsasalita ang iba pang mga hosts ng programa. Inaasahan na bago matapos ang linggo ito magbibigay na ng official statement ang GMA 7 at TAPE Inc.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading