- Nagpahayag ng pagkalungkot si Jake Ejercito sa pagpanaw ng ina ng dating karelasyon na si Andi Eigenmann
- Simple ang ginawang reaksyon ni Jake sa pagpahayag ng kanyang nararamdaman bilang pakikiramay sa anak na si Ellie
- Nagbahagi siya ng larawan ng kanyang anak na si Ellie habang karga ng namayapa nitong lola na si Jacklyn Jose

Nagluluksa ngayon ang mga kaanak ng yumaong aktres na si Jacklyn Jose, kabilang na ang anak ni Jake Ejercito na si Ellie (panganay na apo ni Jacklyn).
Bilang pakikiramay sa dating karelasyon na si Andi at anak na si Ellie, nagbahagi si Jake ng isang larawan sa kanyang IG stories kung saan makikita rito ang maglola.
Maliit pa si Ellie sa nasabing larawan, at karga siya ng kanyang lola Jacklyn.
Sa caption nito, naglagay lamang si Jake ng isang broken heart emoji. Ito ay bilang pakahulugan na maging siya ay nasaktan sa biglaang pagpanaw ng lola ng kanyang anak.

Source: Jake Ejercito IG





Be First to Comment