- Hiwalay na ang mga gamers na sina Mika Salamanca at H2WO
- Mismong sina Mika at H2WO ang nagbahagi nito sa kanilang mga social media accounts
- Sari-saring komento naman ang ipinahayag ng mga netizens hinggil rito
Tila nauuso nga ngayong 2024 ang hiwalayan ng mga kilalang personalidad. Hindi nagpahuli sa trend na ito ang mga gamers na sina Mika Salamanca at John Paul Salonga o mas kilala sa tawag na H2WO.

Ngayong araw, Marso 3 ay nagbahagi si Mika Salamanca ng isang larawan kasama ni John Paul. Dito ay makikita silang sweet sa isa’t-isa pero ang nakatawag ng pansin ay ang caption nito kung saan mababasa ang mga katagang “MiWo, signing off.”
Marami ang kaagad nagbigay ng komento hinggil sa post na ito. Pero mapapansin na tila mas marami ang nagbigay ng mga negatibong komento. Narito ang ilan sa mga reaksyon ng mga netizens.
“Ito yung nag break na wala namang impact sa tao hahaha”
“Ang mga content creator ngayon ang palabas nila hiwalayan hahaha.”
“NAKIKI TREND NALANG DIN SILA BAT BA MANINIRA KAYO NG TRIP?!”
“Buti nalang dati hindi kailangan i post yung ganyang may break up pic pa” ![]()






Be First to Comment