- Tila totoo nga ang pinag-uusapang pagtatapos ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya
- May bagong upload ang pamunuan ng show sa kabilang platform ng show at dito sila ay nagpaalam na
- Sa titulo ng bagong video na kanilang ibinahagi, mababasa ang mga katagang “Tahanang Pinakamasaya : Paalam mga Kapuso! Hanggang sa muli.”
Nagpaalam na ang pamunuan ng noontime show na Tahanang Pinakamasaya. Ito ay ilang oras matapos magviral ang usaping nawala na ang Facebook Page ng naturang show.
Ngayong gabi ng Marso 2, nagbahagi ng isang video clip ang pamunuan ng show kung saan mapapanood ang mga pangunahing host ng programa na sina Isko Moreno at Paolo Contis. Dito sila ay naging emosyonal at base sa kanilang mga salita tila ito ay kanila na ring pamamaalam sa madla.
Hindi man tuwirang binanggit ang pamamaalam, pero sa mismong title ng video upload mababasa ang mga katagang “Tahanang Pinakamasaya : Paalam mga Kapuso! Hanggang sa muli.”
Marami sa kanilang mga followers ang nagbahagi ng kalungkutan sa nangyaring pamamaalam ng palabas. Ganun pa man, umaasa pa rin ang ilan sa mga magiging opisyal na anunsyo ng pamunuan ng TAPE Inc sa Lunes, Marso 5.

Narito at panoorin ang video.





Be First to Comment