Press "Enter" to skip to content

Tahanang Pinakamasaya MAGPAPAALAM na nga ba?

  • Tahanang Pinakamasaya trending dahil sa pagkawala ng kanilang Facebook Page
  • Ilang mga fans nagpapaalam na bago pa ang announcement
  • Atty. Garduqe sinabing maglalabas ng joint statement ang GMA 7 at ang TAPE Inc

Maraming fans ang nalulungkot ngayon dahil nagbabadya na diumano ang pamamaalam ng show sa pangtanghaling palabas. Pinag-uusapan ng mga marites na hindi na eere ang shwo simula sa Lunes dahil nawala na ang Facebook Page nito.

Kung matatandaan, nauna nang may lumabas na rumor na diumano may malaki na umanong pagkakautang ang naturang show sa GMA 7. Naluluge na umano ito kaya naman bago pa matapos ang kontrata ng TAPE Inc sa GMA mukhang tatapusin na nila ang pag ere sa network at tuluyan nang tatanggapin ang katotohanan na hindi na sila makakapagpatuloy pa.

Sa writeup ng PEP.ph, napag-alaman na sinubukang hingan ng pahayag ang pangunahing host ng show na si Paolo Contis hinggil sa mga rumor na ito. Pero hindi nagsalita ang actor host, sa halip nanatili itong tahimik at no comment sa isyu.

Samantalang ang abogado naman ng TAPE inc na si Atty Garduque ay may makahulugan na salitang binanggit.

Ayon kay Atty hindi siya makakapagsalita ng hiiggil sa isyung ito. Pero sa darating na Lunes, magbibigay umano ng joint statement ang GMA 7 at TApe Inc. Ganun pa man, hindi naman binaggit ni Atty. Garduque kung ang nasabing statement ay may kinalaman nga ba sa sinasabing pagtatapos at pamamaalam ng Tahanang Pinakamasaya.

Be First to Comment

Leave a Reply

Discover more from Sikat Trendz

Subscribe now to keep reading and get access to the full archive.

Continue reading