- Isang lalaki hinuli dahil sa Malaysia hinuli ng mga otoridad dahil sa panlilimos
- Kalaunan, nadiskubre na mayroon palang SUV na minamaneho ang lalaki
- Kumikita umano ang nasabing lalaki ng RM500 (Php5000) sa isang araw
Marami ang nabigla sa balitang malaki pala ang perang kinikita ng isang nanlilimos sa kalye. Sa katunayan, may ilan sa kanila na higit pa yatang maykaya kaysa sa mga regular employees.

Ang halimbawa rito ay ang lalaking nahuling nanlilimos sa isang palengke sa bansang Malaysia. Noong February 21, nagsagawa ng isang operasyon ang Malaysian police para sa tinatawag nilang anti-begging operation. Sa nangyaring operasyon, nahuli nila ang isang lalaki na may deperensya ang mga kamay.
Nanlilimos ito kaya naman tinanong nila ang pagkakakilanlan ng lalaki ngunit hindi ito nagsasalita. Ang buong akala ng mga kapulisan, ito ay may kapansanan rin sa pandinig. Ganun pa man, napilit rin nila itong magsalita kalaunan.

Sa ginawang imbestigasyon, napag-alaman na mayroon palang magarang sasakyan ang naturang lalaki. Hindi na rin nito naitago ang totoo hinggil sa perang kinikita sa araw-araw na panlilimos.

Ayon sa lalaki, kumikita umano siya ng higit sa RM500 (Php5000) sa isang araw. Ginagamit niya umano ang perang kinikita para panghulog sa sasakyang binili.





Be First to Comment